Monday, October 31, 2011

After we know the profiles of the 6 female housemates, time now to get to know the remaining 7 male housemates of this biggest edition of "Pinoy Big Brother."

Who do you think is the cutest?! Who are the hunks?! Who are the sexiest and the yummiest of these 7 males housemates?!

Ladies and gentlemen, here are the males housemates of "Pinoy Big Brother Unlimited." Let's take a look at them:

JOSEPH BIGGEL
"Ang Promdihirang Tisoy ng Marinduque"

Real Name:Joseph Emil S. Biggel
Nickname:Biggel
Status:Current Housemate
Origin:Marinduque
Age:19
Birthdate:1992-07-27
Nationality:Filipino-German
Occupation:-
Civil Status:
Religion:Roman Catholic
Hobbies:basketball, singing R&B and rap
Favorite Color:white, black
Favorite Food:saging na saba
Favorite Show:Showtime, Minsan Lang Kita Iibigin
Favorite Actor:
Favorite Actress:Cristine Reyes
Favorite Singer:Akon, Parokya ni Edgar


OTHER INFORMATION:

Tisoy man sa paningin, Pinoy na Pinoy pa rin. Lumaki sa piling ng kanyang lolo at lola sa Marinduque, ang half-German na si Biggel ay natutong pasukin ang iba’t ibang klase ng trabaho para tulungang mapag-aral ang nag-iisang kapatid na kanyang kasama matapos silang iwan ng kanilang ina upang mangibang-bansa. Natuto syang mangisda, magsaka at minsan ri’y pinasok ang pagiging make-up artist sa punerarya. Idolo ni Biggel si Coco Martin. “Ang galing nyang umarte!,” sabi nya.

Malayo man sa mala-rakista nyang porma na dala ng kanyang matulis na mohawk, ang matapang na si Biggel ay may malambot na pusong handa ring tumulong sa oras na kailanganin ng kanyang mga magiging housemates. “Sigurado po yun (na makakasundo sila)! Palakaibigan po ako ‘eh!,” diin ni Biggel.


KEVIN FOWLER
"Ang Dreamboy ng California"

Real Name:Kevin Andrew Fowler
Nickname:Kevin
Status:Current Housemate
Origin:California, USA
Age:18
Birthdate:1993-09-23
Nationality:75% Filipino, 25% American
Occupation:-
Civil Status:
Religion:Christian
Hobbies:working out, playing the guitar, dancing, hanging out with friends
Favorite Color:blue, red, silver
Favorite Food:pancit, sinigang
Favorite Show:American Dad, Scrubs, Parks and Recreation
Favorite Actor:
Favorite Actress:Anne Curtis, Angelina Jolie, Scarlett Johansson, Emma Stone
Favorite Singer:Drake, Michael Jackson, Atreyu, Black Tide, Bobby Ray, Avenged Sevenfold

OTHER INFORMATION:

Lumaki man sa Amerika, bukas si Kevin na mamalagi sa Pilipinas nang matagalan. Pangalawa sa tatlong magkakapatid, malapit siya sa pamilya niya at mga kaibigan. Nasa Amerika ang pamilya niya, pero may mga kamag-anak siyang kasama dito.

Sa pagpasok sa bahay ni Kuya, dala ng Dreamboy ng California ang positive attitude niya. Sa mga pakulo ni Kuya, ang sagot ni Kevin: “I’m ready to be surprised. It’ll be fun. ” Dahil pinalaking independent, sanay din siya sa mga gawaing bahay. “I clean all the time!” Mahiyain siya sa simula at ilag sa mga taong mayabang at walang galang. Pero mabilis naman siyang mag-adjust sa mga kasama. “I like to make people laugh, set a good mood.”

KIGOY ABARICO
"Ang Bay Diskarte ng Ormoc"

Real Name:Marnill S. Abarico
Nickname: Kigoy
Status:Current Housemate
Origin:Ormoc, Leyte
Age:32
Birthdate:1979-10-19
Nationality:Filipino
Occupation:-
Civil Status:
Religion:Roman Catholic
Hobbies:playing guitar, drinking with friends, talking about life
Favorite Color:sky blue, white, black
Favorite Food:fried chicken
Favorite Show:Dragon Ball Z, TV Patrol, MMK, ASAP
Favorite Actor:
Favorite Actress:Maja Salvador, Kirsten Dunst, Jennifer Connelly
Favorite Singer:Rod Stewart, Siakol, Yano, Wolfgang

OTHER INFORMATION:

Sanay sa hirap ng buhay, si Kigoy ay lumaking mulat sa iba’t ibang hamon ng magulong mundong kanyang kinalakihan. Marami mang beses na sya ay naligaw ng landas, si Kigoy ay patuloy na hinanap ang tamang daan tungo sa kanyang tunay na pagbabago. Sumali si Kigoy sa PBB upang mahanap ang dalawa pa nyang nawalay na kapatid . Siya ay kabilang sa anim na magkakapatid sa iisang ina, ngunit iba-ibang ama. Ang gusto lamang nya ay dumating ang araw na mabuo ang kanyang pamilya

Naturingan mang pusong bato, si Kigoy ay minsan ring umibig. Patunay dito ang tattoo ng pangalan ng nag-iisang babaeng kanyang minahal. Marami man siyang babaeng pina-ibig sa kanyang mala-Binoe na kilos, tanging ang babaeng ito ang nakapagpalambot sa kinilalang siga ng Ormoc.

“Gusto kong magbagong-buhay,” mithi ni Kigoy. Sa kanyang pagpasok sa PBB, ito, maliban sa paghanap sa kanyang mga kapatid ang tangi nya lamang nais. “Dati, seryoso ako medaling mapikon. Pero ngayon gusto kong magpasaya.”


PACO EVANGELISTA
"Ang Hopeless Romantic ng Gensan"

Real Name:Philip Joel Lape Evangelista
Nickname:Paco
Status:Current Housemate
Origin:General Santos City
Age:26
Birthdate:1985-07-28
Nationality:Filipino
Occupation:-
Civil Status:
Religion:Roman Catholic
Hobbies:photography, film making
Favorite Color:green, blue, red, white
Favorite Food:pasta
Favorite Show:So You Think You Can Dance, Cedie Ang Munting Prinsipe, HIMYM, Boston Legal
Favorite Actor:
Favorite Actress:Natalie Portman, Meryl Streep, Cristine Reyes, Alessandra de Rossi, Eugene Domingo
Favorite Singer:Sting, Parokya ni Edgar, Eraserheads, Wolfgang, Jon Mayer, Urbandub

OTHER INFORMATION:

“I want to find myself.”

‘Yan ang priority ni Paco sa pagpasok ng bahay ni Kuya. Napansin niya kasi na lahat ng pumasok sa PBB, may sinasabing pagbabago sa sarili at sa buhay. A man of many interests, marami siyang sinubukan at inaral na mga bagay. Kapag naaliw siya sa isang bagay, gaya nalang ng pagluluto at pagsasayaw, maghahanap siya ng video sa YouTube at aaralin ito. “I tried to learn the dougie once. It was fun! I also tried DJ-ing, but I never had the equipment for it so I just know it in theory.” Mahilig siya sa pag-perform, kaya naman may experience din siya sa theater at ballet, pati na din paggaya ng iba’t ibang accents.

Buo ang loob ni Paco na madali siyang makaka-adjust sa mga ibang housemates. “Sa tingin ko, sa training ko, I can communicate well. Marunong din naman akong makinig. I can make people laugh. I think I’d get along well with smart people, someone who I can learn from. Also those with a background in the arts. If they’re pretty, I’d love to get along with them!” Aminado siyang weakness niya ang pagiging prangka sa pagsasalita at dapat niyang ingatan na hindi maging presko sa pakikipag-usap sa mga kasama. Nakikita niya ang sarili bilang entertainer, leader, o communicator ng grupo. Kung hindi man, ok din namang house cook ang role niya, featuring his specialty: beef stroganoff!


ROY GAMBOA
"Ang Sales Lakay ng Pangasinan"

Real Name:Roy Marcelo Gamboa
Nickname:Roy
Status:Current Housemate
Real Name:Roy Marcelo Gamboa
Origin:Pangasinan
Age:29
Birthdate:1982-01-15
Nationality:Filipino
Occupation:-
Civil Status:
Religion:Iglesia ni Cristo
Hobbies:dancing workout, videoke to the max, pasyal-pasyal
Favorite Color:green
Favorite Food:dinengdeng, pinakbet, gulay
Favorite Show:Bottomline, PGT, late night shows with interviews, cooking and singing contests
Favorite Actor:
Favorite Actress:Angelica Panganiban, Eugene Domingo
Favorite Singer:Jed Madela, Martin Nievera, Ne-Yo

OTHER INFORMATION:

“Kung hindi ko pa gagawin ngayon, kailan pa? Sayang.”

Nasa Manila si Roy nang malaman ang tungkol sa PBB auditions, pero dinayo niya pa ang hometown niyang Pangasinan para lang sumubok. Dahil malapit na mag-30 years old, mixed emotions man ay ayaw na niyang palagpasin ang oportunidad na maipakita ang kakayahan niya. Gaya ng paborito niyang X-Men, naniniwala si Roy na marami din siyang talents na pwedeng i-share sa iba. Bukod sa pagkanta, pag-arte at pag-host, hilig din niya ang pagluluto, kaya naman pwedeng-pwede siyang maging taga-luto sa bahay ni Kuya. “Nakakaalis din ng stress e. Sa akin, okay lang na mauna silang kumain basta matikman ‘yung luto ko. Masaya na ako na panoorin silang nasasarapan sa luto ko.”

Handa na si Roy sa kahit anong iharap sa kanya ni Kuya, pwera nalang siguro sa malalaking aso, dahil nakagat siya dati ng aso. Sa simula pa lang, bukas ang isip niya sa mga pagsubok at posibleng pagkakampihan ng mga housemates sa isa’t isa. “This is a competition anyway,” praktikal na sabi ni Roy. Hindi na bago kay Roy ang pakikisama sa iba’t ibang tao. Natural na sa kanya ang mag-motivate ng mga kasama, lalo na ‘yung mga napanghihinaan na ng loob. “Ako ‘yung tipo ng taong pag nakita kita, tatabihan kita, kikilalanin na kita.” Maselan siya sa pagiging maayos at malinis, pero willing to teach naman. “Ayoko ‘yung madumi sa sarili tsaka magulo sa bahay. Baka ako pa mag-aayos, kasi ‘pag nakita ko na-didistract ako e. Sasabihin ko siguro, o halika, turuan kita, ganito lang.”


SEICHANG USHIMI
"Ang Pinoy Anime ng Japan"

Real Name:Seiichi Ushimi
Nickname:Seichang
Status:Current Housemate
Origin:Tokyo, Japan
Age:22
Birthdate:1989-03-16
Nationality:Filipino-Japanese
Occupation:-
Civil Status:
Religion:-
Hobbies:reading books
Favorite Color:pink, purple, wine red… basta cute
Favorite Food:kare-kare, adobo, barbecue
Favorite Show:Dragonball Z, Pinoy Big Brother, ASAP
Favorite Actor:
Favorite Actress:Sarah Geronimo, Penelope Cruz
Favorite Singer:SMAP band

OTHER INFORMATION:

Laking-Japan si Seichang, pero dahil taga-Davao ang ina niya, madalas din siyang umuwi sa Pilipinas. At home naman talaga siya dito dahil para sa kanya, mababait ang mga Pinoy. Unang dahilan ng pagpunta niya sa audition? Akala niya makikita niya si Sarah Geronimo! Sa dating housemates, pinaka-naaalala niya si Cathy ng PBB Double Up. Pagpasok sa bahay ni Kuya, game lang si Seichang sa kahit ano. “Basta experience, good opportunity for the future.”

Takot sa ipis si Seichang, kaya importante sa kanyang maging malinis sa bahay at hindi niya uurungan ang anumang gawaing-bahay. Kaya niya din magluto ng hamburger at yakisoba! May konti siyang alam na mga salita, pero nangangapa pa si Sei Chang sa pagsasalita at pag-intindi ng Filipino at English. Ang strategy niya: “Always smile and chika chika!” Hindi man niya makuha sa kwentuhan, may back-up plan ng Pinoy Anime ng Japan: Sign language at acting!


SLATER YOUNG
"Ang Hotshot Engineer ng Cebu"

Real Name:Jan Slater Young
Nickname:Slater
Status:Current Housemate
Origin:Cebu City
Age:24
Birthdate:1987-12-19
Nationality:Filipino
Occupation:civil engineer
Civil Status:
Religion:Roman Catholic
Hobbies:board games, hanging out, going to the gym, competitive shooting
Favorite Color:white, blue, purple
Favorite Food:steak
Favorite Show:Family Guy, HIMYM, Community
Favorite Actor:
Favorite Actress:Angelina Jolie, Charlize Theron, Bea Alonzo
Favorite Singer:Jack Black, U2, bamboo, Wolfgang, The Script, Train, Tenacious D

OTHER INFORMATION:

Isang competitive shooter at varsity table tennis player, si Slater ay umaasang makahanap ng panibagong adventure sa kanyang pagpasok sa Bahay ni Kuya. “I work for my dad. I’m an engineer,” proud na banggit ni Slater. Panganay sa apat na magkakapatid, umaasa si Slater na magamit ang kanyang pagiging kuya sa pamumuno sa mga housemates. “I usually get along with everyone. Hopefully I get along well with them.” Sariwa pa sa pakikipaghiwalay sa kanyang girlfriend tatlong buwan na ang nakalipas, hindi man inaasahan ay bukas si Slater makahanap ng bagong pag-ibig sa isa sa kanyang mga housemates.

Excited si Slater magkaroon ng pagkakataong masubukan ang iba’t ibang bagay sa loob ng bahay. “I expect to go crazy. I joined for an adventure. I want something new, to break the routine.”


That's completed the 13 new housemates of the fourth season of "Pinoy Big Brother." Thanks again to starmometer for providing their profiles.

Now, who's your bet among them?! (www.TV Series Craze.blogspot.com)
Reactions:

Tagged: , , , , ,

1 comment:

  1. sa lahat ng nakita ko na picture jan silang si slater ang cute jan

    ReplyDelete

Top 10 Posts of the Month

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
TV Series Craze © 2013 | Powered by Blogger | Blogger Template by DesignCart.org