GMA-7 Offers a Newest Drama-Anthology, "Karelasyon"



GMA-7 gives a brand new breed to a usual drama-anthology we used to know. This time, it's more daring focusing on relationship.

Check out the details of the said newest program titled "Karelasyon:"

Hindi lang puro sarap at ligaya ang hatid ng pakikipag-relasyon. Parte rin nito ang mga tukso at pagsubok na susukat sa katatagaan at katapatan ng pagsasama.

Ngayong Abril, ihahandog ng GMA Public Affairs ang bagong drama anthology na maglalahad ng totoong karanasan ng mga magkarelasyong nagkaron ng matinding hamon sa pagsasama.

Mga problema gaya ng pagkakaroon ng kabit; lihim na pagkatao; sobrang selos, ambisyon o bisyo,; problema sa pamilya o katrabaho;  obsesyon sa sex, pera o materyal na bagay.

Sa pamamagitan ng mga pagsasadulang pagbibidahan ng mga Kapuso Stars, at sa panulat at direksyon ng mahusay na independent film writers and directors, ipapakita sa “Karelason” kung anong hirap, sakit, kontrobersya o trahedya ang pinagdaanan at hinaharap ng ilang kababayan natin nang dahil sa pag-ibig! 




Ang Kapuso actress/ TV host na si Ms. Carla Abellana ang magsisilbing tagapaglahad ng mga kwento… gaya ng storya ni “Minda” (Mylene Dizon), isang babaeng desperada nang magkaron ng kinakasama sa buhay kaya mabilis na nagtiwala kay “Daniel” (Mark Herras) na hindi niya gaanong kakilala. Anong pasakit ang ibibigay ng lalaking ito kay “Minda” kung saan magiging parte pa ng panloloko ang anak niyang bakla na si “Ryan” (Martin Del Rosario).
  
Isa pang storyang tampok sa “Karelasyon” ay tungkol kay “Marlon” (Marco Alcaraz) na sobrang naging maligaya nang mapangasawa ang dream girl niyang si “Tere” (Valerie Concepcion).

Subalit unti-unting nagkaron ng lamat ang relasyon nilang dalawa dahil sa unti-unting pagbago ng itsura at pag-uugali ng kanyang asawa. Ano kayang pagpapabaya ang nagawa ni “Tere” habang lumalaki ang kanilang pamilya?

Matutunghayan din sa “Karelasyon” ang kwento ng mag-asawang sina “Lily” (Kris Bernal) at “Paul” (Rocco Nacino) na sa kagustuhang magkaron ng anak ay tinuring na pamilya si “Rowena”  (Karen Delos Reyes), isang disgrasyadang babaeng pumayag ipa-ampon ang ipinagbubuntis na anak kapalit ng pera. Pero kalaunan, higit pa sa salapi ang nanaisin niya, at ito ang magiging pagsubok sa katatagan at katapatan ng pagmamahalan ng mag-asawa. 

Abangan ang mga storyang ito at ang aral na mapupulot mula sa mapait, makulay at kakaibang kwento ng mga magkarelasyon!

Abangan sa April 11, Sabado, sa GMA-7!  (www.tvseriescraze.com)


Follow Us on Instagram@rockenroll_04

Follow Us on Twitter@rockenroll_04  

Like Us on Facebookwww.facebook.com/TVSeriesCraze   


  

Rocky Chua

Rocky Chua Batara a.k.a. Aki Chua is a Principal Software QA Engineer by profession and a Blogger by hobby. He loves to blog about lifestyle, celebrity, entertainment, personal, and fitness specifically running making blogging as his major interest. Rocky is also active in Social Media specially in Instagram since he loves to take photos of different things and loves to pose for photos and pictorials. He even loves taking selfies. Rocky is also a fitness enthusiast. Running turns to be his major sports. He is also a regular gym goer to maintain his toned and sexy body. You may follow Rocky on Twitter, TikTok, and Instagram via his username @therunnerrocky.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form